Huwebes, Enero 12, 2012
Mitchel Joshua Bron
Bakit ba may mga kabataang tumatahak ng maling landas? Ito ba'y dahil yun ang kanilang pinili? o dahil sa maling pagpapalaki sa kanila ng kanilang magulang? Sino ba ang dapat sisihin? Ang magulang? o sila? Yan ang mga tanong na bumubulabog sa aking isip.
Sabi nga ni Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" pero paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung ang iba sa kanila ay hindi nagseseryoso? Ang iba ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, nalululong sa droga at bisyo, at higit sa lahat gumagawa ng masama.
Ano ba ang nararanasan nila na hindi ko naranasan kung kaya't nagagawa nila ang mga ganitong bagay? Sa mga narinig kong opinyon sa mga kabataan, sinabi nilang, "masarap gawin ang bawal dahil minsan ka lang maging bata at napakadaling gawin ang mali kaysa sa tama dahil doon lang tayo masaya." Pero naisip rin ba nila kung gagawin nila o natin ang bawal, maaari itong magdulot ng pagkamatay? Hindi ba pwedeng gumawa na lang tayo ng tama at isantabi ang mali? Nang sa ganon mabuhay tayo ng matiwasay at walang inaalintanang problema?
Justine Navasquez
Ang kabataan natin ngayon ay siyang nagiging nagunguna sa mga krimen na nangyayari sa ating komunidad. Sila ang mga nagpapasimuno ng mga grupo at mga organisasyon na may mga masamang layunin. Isa sa mga ito ay ang pangingitil at pagnanakaw. Higit sa lahat, sila ang mismong nagbibigay pasakit sa ating bayan.
Pero, paano nga ba sila nagkakaganito? Isa sa mga dahilan ay ang problema sa pamilya. Sila ay nalalayo sa matuwid na daan dahil sa kawalan ng gabay ng magulang. Isa rin sa dahilan ay ang mga kaibigan. Sabi nga, "sunod sa layaw". Sinusunod kung ano ang ginagawa ng kaibigan maging sariling mga magulang. Pero, maituturing na ang kawalan ng asal o edukasyon ang pangunahing dahilan ng mga nangyayari. Edukasyon na nagiging ilaw sa kanilang pagtahak sa daan ng buhay. Edukasyon lamang ang magiging susi upang matauhan ang kabataan.
Janelle Lyka dela Cruz
Sa ating henerasyon ngayon, marami ng mga magulang ang nanganganak araw-araw. Hindi lang isa o dalawa kundi milyon-milyon ang mga batang nabubuhay. May mga kabataan ding nagkakaroon ng anak kaya di makakailang walang kaguluhan, problema ang ating natatamasa.
Isa sa mga daang-daang suliranin ng kabataan ngayon ang kanilang lipunan na nagtuturo sa daan patungong kasakiman. Ang mga kabataang ito ang siyang nangunguna o nagpapasimuno sa mga sakim na dumarating. Ang kanilang lipunan ang nagbibigay impormasyon upang gumawa ng maling bagay.
Halimbawa ng suliranin ng kabataan ay ang masasamang droga o gamot, isali na rin natin ang sigarilyo at alak. Ang droga ay hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Bagamat nagdudulot ito ng pagkawala sa isip. Sinasabi ng iba na maganda ito dahil ang kanilang iniisip ay nagiging siga pa sila pero nagkakamali sila. Ang iba ay gumagamitr ng droga upang pang-aliw sa kanilang sarili. Pero di ba nila iniisip ang masamang epekto nito? Ang sigarilyo naman ay alam nating sinisira nito ang lungs ngunit sa tuwing nakikita ng mga kabataan ang mga matatandang gumagamit nito ay napapaisip na rin silang gawin ito. At ang alak, hindi masamang uminom ngunit di dapat sobrahan. Napapansin ko na ang mga kabataan ngayon kahit mahilig uminom sapagkat nakakawala raw sa kanilang problema. Ngunit hindi nila iniisip na hindi nila maitatakwil ang mga problemang nararanasan nila. Isa pa ring epekto nito ay nawawala ang pagrespeto natin sa mga ibang tao. Napapa-away tayo at minsay napupunta pa tayo sa kulungan dahil sa maling nagawa natin.
Pangalawa sa suliranin ng mga kabataan ngayon ay ang kanilang magulang. Alam naman natin na ang mga magulang ang dapat nagtuturo ng tamang gawain. Pero, dahil sa pagpapabaya ng mga magulang, napupunta sa maling landas ang mga kabataan. Dahil rin sa hindi pag-gabay ng magulang, nawawalan na rin ng pag-asa ang mga kabataan upang tuparin ang kanilang pangarap.
Pangatlo sa suliranin ng kabataan ang internet at cellphone. Ang internet ang nagpapapunta sa mga kabataan upang gumawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya. Karamihan sa mga ginagawa ng mga kabataan sa internet ay ang panonood ng hindi magandang palabas na nagpapatungo sa hindi magandang landas. Ang cellphone naman ay ginagamit ng mga kabataan ngayon upang makipagtext at makipagkita sa di nila kilala. Dahil sa interes ng mga kabataan sa mga ganyang bagay, nagagawa na nila ang hindi pa nila dapat ginagawa. Isa na rito ang sex, kung saan ang epekto nito ay ang pagdami ng populasyon sa isang bansa.
At ang panghuli ay ang pagkuha ng sapat na edukasyon para guminhawa ang buhay. Alam naman natin na ang edukasyon na may pagsisikap ang tuturo sayo para sa mabuting landas. Dahil sa kakulangan sa pera ng karamihan sa kabataan, gumagawa nalang sila ng mga bagay na walng kwenta tulad ng mga nabanggit ko kanina.
Bilang isang kabataan, handa akong tumulong sa pagbabago basta handa silang ipakita at ibigay ang kanilang suporta at kooperasyon. Ang mga suliranin na ito ang siyang magtuturo sa kanila sa magandang landas dahil ating maiisip na hindi tama ang kanilang ginagawa at marerealize din nila na maganda ang pagkakaroon ng maginhawang buhay.
Sunshine Te
Bilang isa sa mga kabataan, mahirap kapag ikaw ay nag-aaral dahil marami kang kailangan atupagin upang makakuha ng mataas na marka. Pero nang dahil sa aking mga kaibigan ako ay nagkakaroon ng lakas upang harapin ang mga problema.
Hindi man ako masaya; minsan pagnakikita ko na masaya ang aking mga kaibigan ay napapangiti na rin ako. Ang karanasan ay bahagi na ng ating buhay dahil ito ang nagiging tayo. Kahit anong karanasan ay bumubuo sa atin pero may mga karanasan rin na pinipilit kong malimot dahil ito ay hindi ko kayang isipin.
Kahit mga noon ay nag away kami ng aking kaibigan ay ninais ko itong limutin dahil isa ito sa aking mga mapapait na karanasan. Kaya natuto na akong maging matapang at kaya ko na ring harapin ang mga problema.
Miyerkules, Enero 11, 2012
Marjorie Inocencio
Sabi ni Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" pero bakit sa karamihan sa mga kabataan ngayon ay nawawala sa tamang landas?
Hindi Kaya ito ay dahil sa kanilang sariling mga magulang?
May mga kabataan din na naghihirap ang buhay pero ginagawa nila ang lahat para makapag-aral kahit kapos sa pera.
May mga ibang kabataan din naman na lumaki sa lansangan at hindi makapag-aral.
Ang ibang kabataan naman ay pinag-aaral pero imbes na mag-aral ng mabuti, puros lakwatya, tambay, bisyo ang kinahihiligan.
Ang ibang mga kabataan naman ay pinapabayaan ng kanilang mga magulang kaya napapariwara at maagang nag-aasawa.
May mga kabataan din naman na nang dahil sa hirap ng buhay nagagawa nilang magnakaw kaya ngayon ay nasa kulungan at sira ang kinabukasan.
May mga ibang kabataan din naman na nababarkada at nalululong sa masamang bisyo, yung iba naman ay sumasali sa mga gang at fraternity kaya imbes na mag-aral, puros kalokohan ang natutunan.
Sino nga ba ang dahila kung bakit nawawala sa landas ang mga kabataan ngayon?
Dahil ba sa pabayang mgulang nila o dahil sa kanilng sariling intensyon na gawin yung gusto nila.
Arvin Jhon Donaire
Ako ay isa sa mga kabataan sa henerasyon ngayon at marami na rin akong naranasan. Sa tingin ko nga ay naranasan ko na ang lahat pero sa tingin ko rin ay hindi pa ito buo.
Bilang isang kabataan, hindi mo talaga masasala kung ano ang mangyayari sa skwela, sa bahay at sa mga kaibigan mo. Minsan nagkakaroon ka ng problema na hindi mo inaasahan tulad ng mga problemang pangkaibigan.
Kaya kapag dumarating ang ganitong panahon ay nananalig ako sa panginoon natin at sa tulong rin ng aking mga problema. Hindi man minsan masaya ang aking karanasan ngunit ito ay bahagi na ng aking buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)





