Miyerkules, Pebrero 22, 2012
Kabanata 54
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o kunwari'y nakita ng nagdaang gabi. Iba-iba ring pagkahulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina Pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama't 300 taon na itong luma sa mga bansa sa Europa.
Kabanata 53
Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatagpu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang magkaharap na sila sapagkat natalo siya niyon sa sugal sa baraha
Kabanata 52
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapuna-punang hindi nakabubuti kay Maria Clara ang mahiwagang nangyayari sa kanya.
Kbanata 51
Isinalaysay ni Elias ang kasaysayan ng kanyang angkan. Nagulumihanan si Ibarra sa kanyang mga narinig na kalupitan ng tao sa kapawa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpaparating ng mga karaingan ng mamamamyan sa pamahalaang kastila sa Espanya upang magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tuparin ang ipinangako niya kay Kapitan Pablo.
Kabanata 50
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangkang patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatutulong si Ibarra sa pagpaparating sa nasabing mga karaingan sa pamahalaang Kastila sa Espanya. Ngunit hindi magkaisa ang kanilang palagay ni Ibarra tungkol sa guardia civil at korporasyon ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kanyang pagdaramdam ay hiniling ni Ibarra na malaman niya ang kasaysayan ng piloto sa pag-aakalang makatutulong iyon sa pag-unawa niya sa mga hinaing na inilapit sa kanya.
Kabanata 49
Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa kanyang pagkaekskumulgado ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibalita iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago. Samantala, nagtaka si Ibarra nang makita niyang nagtatrabaho si Elias kay Maestro Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.
Kabanata 48
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego. Nakahawak pa ang Donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kaya, gayon na lamang ang kanayang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nasasalubong lalo na nga ng komandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linares na ibubunyag niya ang lihim ng binata kapag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante.
Kabanata 47
Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makikita ang mga katangian at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lamang paglilibang ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook itong pinangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya at pakana. Para itong bayang kakikitaan ng mga taong nagsasamantala at pinagsasamantalahan.
Kabanata 46
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga kabundukan sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagapagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas, tulad ng matandang lalaki, si Tandang Pablo. Pinagdudahan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naaapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at amg mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman.
Kabanata 45
Nabinat si Maria Clara pagkatapos makapangumpisal at iba-iba hatol ng mga taong nakapaligid sa kanya para siya ay ganap na gumaling. Sa wakas ay ang hatol ni Padre Salvi ang nasunod kaya inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara para sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa nakitang pagluha ng dalaga pagkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kanya.
Kabanata 44
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siya nang kaunti nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-isip si Padre Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito. Samantala, takang-taka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang mabalita niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibarra ng limandaang pisong bayad-pinsala.
Kabanata 43
Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tiburcio de EspadaƱa, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay Maria Clara. Naging mag-asawa sina Don Tiburcino at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangangailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagpapakasal nila sa isa't-isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito. Si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrator sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina kung totoo lamang ang ipinamalita niyong pagdadalantao.
Kabanata 42
Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isiping gumugulo sa kanya kaya't inumaga siya sa pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naaabala siya sa pagdating ni Elias na nagbalita sa kanya ng pagtungo nito sa Batangas at sa pagkakasakit ni Maria Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon.
Huwebes, Enero 12, 2012
Mitchel Joshua Bron
Bakit ba may mga kabataang tumatahak ng maling landas? Ito ba'y dahil yun ang kanilang pinili? o dahil sa maling pagpapalaki sa kanila ng kanilang magulang? Sino ba ang dapat sisihin? Ang magulang? o sila? Yan ang mga tanong na bumubulabog sa aking isip.
Sabi nga ni Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" pero paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung ang iba sa kanila ay hindi nagseseryoso? Ang iba ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, nalululong sa droga at bisyo, at higit sa lahat gumagawa ng masama.
Ano ba ang nararanasan nila na hindi ko naranasan kung kaya't nagagawa nila ang mga ganitong bagay? Sa mga narinig kong opinyon sa mga kabataan, sinabi nilang, "masarap gawin ang bawal dahil minsan ka lang maging bata at napakadaling gawin ang mali kaysa sa tama dahil doon lang tayo masaya." Pero naisip rin ba nila kung gagawin nila o natin ang bawal, maaari itong magdulot ng pagkamatay? Hindi ba pwedeng gumawa na lang tayo ng tama at isantabi ang mali? Nang sa ganon mabuhay tayo ng matiwasay at walang inaalintanang problema?
Justine Navasquez
Ang kabataan natin ngayon ay siyang nagiging nagunguna sa mga krimen na nangyayari sa ating komunidad. Sila ang mga nagpapasimuno ng mga grupo at mga organisasyon na may mga masamang layunin. Isa sa mga ito ay ang pangingitil at pagnanakaw. Higit sa lahat, sila ang mismong nagbibigay pasakit sa ating bayan.
Pero, paano nga ba sila nagkakaganito? Isa sa mga dahilan ay ang problema sa pamilya. Sila ay nalalayo sa matuwid na daan dahil sa kawalan ng gabay ng magulang. Isa rin sa dahilan ay ang mga kaibigan. Sabi nga, "sunod sa layaw". Sinusunod kung ano ang ginagawa ng kaibigan maging sariling mga magulang. Pero, maituturing na ang kawalan ng asal o edukasyon ang pangunahing dahilan ng mga nangyayari. Edukasyon na nagiging ilaw sa kanilang pagtahak sa daan ng buhay. Edukasyon lamang ang magiging susi upang matauhan ang kabataan.
Janelle Lyka dela Cruz
Sa ating henerasyon ngayon, marami ng mga magulang ang nanganganak araw-araw. Hindi lang isa o dalawa kundi milyon-milyon ang mga batang nabubuhay. May mga kabataan ding nagkakaroon ng anak kaya di makakailang walang kaguluhan, problema ang ating natatamasa.
Isa sa mga daang-daang suliranin ng kabataan ngayon ang kanilang lipunan na nagtuturo sa daan patungong kasakiman. Ang mga kabataang ito ang siyang nangunguna o nagpapasimuno sa mga sakim na dumarating. Ang kanilang lipunan ang nagbibigay impormasyon upang gumawa ng maling bagay.
Halimbawa ng suliranin ng kabataan ay ang masasamang droga o gamot, isali na rin natin ang sigarilyo at alak. Ang droga ay hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Bagamat nagdudulot ito ng pagkawala sa isip. Sinasabi ng iba na maganda ito dahil ang kanilang iniisip ay nagiging siga pa sila pero nagkakamali sila. Ang iba ay gumagamitr ng droga upang pang-aliw sa kanilang sarili. Pero di ba nila iniisip ang masamang epekto nito? Ang sigarilyo naman ay alam nating sinisira nito ang lungs ngunit sa tuwing nakikita ng mga kabataan ang mga matatandang gumagamit nito ay napapaisip na rin silang gawin ito. At ang alak, hindi masamang uminom ngunit di dapat sobrahan. Napapansin ko na ang mga kabataan ngayon kahit mahilig uminom sapagkat nakakawala raw sa kanilang problema. Ngunit hindi nila iniisip na hindi nila maitatakwil ang mga problemang nararanasan nila. Isa pa ring epekto nito ay nawawala ang pagrespeto natin sa mga ibang tao. Napapa-away tayo at minsay napupunta pa tayo sa kulungan dahil sa maling nagawa natin.
Pangalawa sa suliranin ng mga kabataan ngayon ay ang kanilang magulang. Alam naman natin na ang mga magulang ang dapat nagtuturo ng tamang gawain. Pero, dahil sa pagpapabaya ng mga magulang, napupunta sa maling landas ang mga kabataan. Dahil rin sa hindi pag-gabay ng magulang, nawawalan na rin ng pag-asa ang mga kabataan upang tuparin ang kanilang pangarap.
Pangatlo sa suliranin ng kabataan ang internet at cellphone. Ang internet ang nagpapapunta sa mga kabataan upang gumawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya. Karamihan sa mga ginagawa ng mga kabataan sa internet ay ang panonood ng hindi magandang palabas na nagpapatungo sa hindi magandang landas. Ang cellphone naman ay ginagamit ng mga kabataan ngayon upang makipagtext at makipagkita sa di nila kilala. Dahil sa interes ng mga kabataan sa mga ganyang bagay, nagagawa na nila ang hindi pa nila dapat ginagawa. Isa na rito ang sex, kung saan ang epekto nito ay ang pagdami ng populasyon sa isang bansa.
At ang panghuli ay ang pagkuha ng sapat na edukasyon para guminhawa ang buhay. Alam naman natin na ang edukasyon na may pagsisikap ang tuturo sayo para sa mabuting landas. Dahil sa kakulangan sa pera ng karamihan sa kabataan, gumagawa nalang sila ng mga bagay na walng kwenta tulad ng mga nabanggit ko kanina.
Bilang isang kabataan, handa akong tumulong sa pagbabago basta handa silang ipakita at ibigay ang kanilang suporta at kooperasyon. Ang mga suliranin na ito ang siyang magtuturo sa kanila sa magandang landas dahil ating maiisip na hindi tama ang kanilang ginagawa at marerealize din nila na maganda ang pagkakaroon ng maginhawang buhay.
Sunshine Te
Bilang isa sa mga kabataan, mahirap kapag ikaw ay nag-aaral dahil marami kang kailangan atupagin upang makakuha ng mataas na marka. Pero nang dahil sa aking mga kaibigan ako ay nagkakaroon ng lakas upang harapin ang mga problema.
Hindi man ako masaya; minsan pagnakikita ko na masaya ang aking mga kaibigan ay napapangiti na rin ako. Ang karanasan ay bahagi na ng ating buhay dahil ito ang nagiging tayo. Kahit anong karanasan ay bumubuo sa atin pero may mga karanasan rin na pinipilit kong malimot dahil ito ay hindi ko kayang isipin.
Kahit mga noon ay nag away kami ng aking kaibigan ay ninais ko itong limutin dahil isa ito sa aking mga mapapait na karanasan. Kaya natuto na akong maging matapang at kaya ko na ring harapin ang mga problema.
Miyerkules, Enero 11, 2012
Marjorie Inocencio
Sabi ni Jose Rizal "ang kabataan ang pag-asa ng bayan" pero bakit sa karamihan sa mga kabataan ngayon ay nawawala sa tamang landas?
Hindi Kaya ito ay dahil sa kanilang sariling mga magulang?
May mga kabataan din na naghihirap ang buhay pero ginagawa nila ang lahat para makapag-aral kahit kapos sa pera.
May mga ibang kabataan din naman na lumaki sa lansangan at hindi makapag-aral.
Ang ibang kabataan naman ay pinag-aaral pero imbes na mag-aral ng mabuti, puros lakwatya, tambay, bisyo ang kinahihiligan.
Ang ibang mga kabataan naman ay pinapabayaan ng kanilang mga magulang kaya napapariwara at maagang nag-aasawa.
May mga kabataan din naman na nang dahil sa hirap ng buhay nagagawa nilang magnakaw kaya ngayon ay nasa kulungan at sira ang kinabukasan.
May mga ibang kabataan din naman na nababarkada at nalululong sa masamang bisyo, yung iba naman ay sumasali sa mga gang at fraternity kaya imbes na mag-aral, puros kalokohan ang natutunan.
Sino nga ba ang dahila kung bakit nawawala sa landas ang mga kabataan ngayon?
Dahil ba sa pabayang mgulang nila o dahil sa kanilng sariling intensyon na gawin yung gusto nila.
Arvin Jhon Donaire
Ako ay isa sa mga kabataan sa henerasyon ngayon at marami na rin akong naranasan. Sa tingin ko nga ay naranasan ko na ang lahat pero sa tingin ko rin ay hindi pa ito buo.
Bilang isang kabataan, hindi mo talaga masasala kung ano ang mangyayari sa skwela, sa bahay at sa mga kaibigan mo. Minsan nagkakaroon ka ng problema na hindi mo inaasahan tulad ng mga problemang pangkaibigan.
Kaya kapag dumarating ang ganitong panahon ay nananalig ako sa panginoon natin at sa tulong rin ng aking mga problema. Hindi man minsan masaya ang aking karanasan ngunit ito ay bahagi na ng aking buhay.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)





