Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Kabanata 54

       Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o kunwari'y nakita ng nagdaang gabi.   Iba-iba ring pagkahulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari.   Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina Pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama't 300 taon na itong luma sa mga bansa sa Europa.

Kabanata 53

       Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki.   Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento.   Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatagpu-tagpo sa sementeryo.   Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang magkaharap na sila sapagkat natalo siya niyon sa sugal sa baraha

Kabanata 52

       May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito.   Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi.   Ngunit kapuna-punang hindi nakabubuti kay Maria Clara ang mahiwagang nangyayari sa kanya.

Kbanata 51

       Isinalaysay ni Elias ang kasaysayan ng kanyang angkan.   Nagulumihanan si Ibarra sa kanyang mga narinig na kalupitan ng tao sa kapawa tao.   Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpaparating ng mga karaingan ng mamamamyan sa pamahalaang kastila sa Espanya upang magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas.   Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan.   Ipinasya ni Elias na tuparin ang ipinangako niya kay Kapitan Pablo.

Kabanata 50

       Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias.   Habang namamangkang patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga manghihimagsik.   Inakala ni Elias na makatutulong si Ibarra sa pagpaparating sa nasabing mga karaingan sa pamahalaang Kastila sa Espanya.   Ngunit hindi magkaisa ang kanilang palagay ni Ibarra tungkol sa guardia civil at korporasyon ng mga prayle.   Matapos na maibulalas ni Elias ang kanyang pagdaramdam ay hiniling ni Ibarra na malaman niya ang kasaysayan ng piloto sa pag-aakalang makatutulong iyon sa pag-unawa niya sa mga hinaing na inilapit sa kanya.  

Kabanata 49

       Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso.   Napatawad siya sa kanyang pagkaekskumulgado ng mismong arsobispo.   Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibalita iyon.   Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiyago.   Samantala, nagtaka si Ibarra nang makita niyang nagtatrabaho si Elias kay Maestro Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.

Kabanata 48

       Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego.   Nakahawak pa ang Donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo.   Kaya, gayon na lamang ang kanayang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nasasalubong lalo na nga ng komandante.   Nagyaya na tuloy siyang umuwi.   Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante.   Dahil sa nangyaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linares na ibubunyag niya ang lihim ng binata kapag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante.