Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Kabanata 46

       Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga kabundukan sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang kastila.   Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay.   Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagapagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas, tulad ng matandang lalaki, si Tandang Pablo.   Pinagdudahan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naaapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at amg mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento