Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Kabanata 44

       Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara.   Nahalata ng mga taong nakapaligid sa kanya ang kanyang pagkabalisa.   Tila nalibang lamang siya nang kaunti nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares.   Waring nag-isip si Padre Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito.   Samantala, takang-taka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang mabalita niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibarra ng limandaang pisong bayad-pinsala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento