Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Kabanata 43

       Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiyago sapagkat may sakit si Maria Clara.   Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay Maria Clara.   Naging mag-asawa sina Don Tiburcino at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangangailangan.   Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagpapakasal nila sa isa't-isa.   Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito. Si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrator sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina kung totoo lamang ang ipinamalita niyong pagdadalantao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento